|
BATANGAS I ELECTRIC COOPERATIVE, INC.
Km. 116 National Highway, Calaca, Batangas 4212
Telefax No. : (043) 424-0413
|
PATALASTAS NG PAGPUPULONG
SA MGA KINAUUKULANG KASAPI NG BATELEC I:
Nais po naming ipabatid na sa bisa ng Kapasiyahan Blg. 01-23 na pinagtibay ng Hunta Direktiba noong ika-3 ng Enero, 2023 ang ika-38 na Taunang Pangkalahatang Pagpupulong ng mga Member-Consumer-Owners (MCO) ng BATELEC I ay gaganapin sa pamamagitan ng HYBRID Meeting, sa ika-27 ng Mayo, 2023 (Sabado) ganap na ika- 1:00 ng hapon.
Kaugnay nito, ang pagpapatala ng bawat MCO ay gagawin sa pamamagitan ng ON-LINE REGISTRATION na magsisimula sa ika-15 ng Mayo, 2023 (Lunes) hanggang sa ika-9:00 ng umaga ng Mayo 27, 2023 (Sabado). Mangyari pong bisitahin ang Official Website ng kooperatiba (www.batelec1.com.ph) para sa nabanggit na pagpaparehistro. Tiyaking mapupunan ang lahat na hinihinging impormasyon para sa matagumpay na pagpapatala.
Gayundin, ang lahat ng lehitimong kasapi na nagparehistro online ay awtomatikong kasali sa gaganaping electronic raffle kung saan maaaring manalo ng cash prizes ang mga mapapalad na nagrehistrong kasapi.
Samantala, sa kadahilanan po na patuloy pa rin tayong nahaharap sa COVID-19 pandemya, layunin po nating maisigurado ang kaligtasan ng bawat kasapi at mga kawani, kaya hindi na po kailangang pumunta ng personal sa pagdarausan ng pagpupulong. Ang lahat ay inaanyayahang panoorin ang buong programa sa live streaming sa Facebook page ng kooperatiba (Batangas 1 Electric Cooperative Inc).
Hangad po namin ang inyong pakikiisa sa nasabing pagpupulong.
MARISSA C. SALANGUIT
Kalihim
Lupong Patnugutan